gimik ulit
Sep. 20th, 2005 12:56 amBad trip. Nagawa ko na yung "20 Random Things" eklat, pero biglang naghang IE ko. So nawala lahat. At tinatamad na kong ulitin. Ibang araw nalang.
Ang saya. Past 12 na ko nakabalik sa dorm. Nagdinner kasi kami nina
eternalmortal, Gail, Cecilia, Jayson, at Michael sa labas. Masama akong tao: umalis ako sa choir practice nang maaga para lang lumabas kasama nila. At nagsinungaling pa ko; sinabi ko na mom ko yung imimeet ko. Nakokonsensya na nga ako eh. Pero, promise, ngayon ko lang 'to gagawin. Or basta hindi madalas. Ayoko rin naman mag-absent masyado sa choir kasi mahirap humabol at ayoko maging patalo pagdating ng contest. Buti na rin na hindi masyado malaking sinungaling yung ginamit ko; darating naman kasi talaga mom ko dito pero sa Wednesday pa. Kasama niya ate ko tapos magsstay sila hanggang Friday. Baka sumama rin boyfriend ng ate ko (artista siya :D) pero di pa sigurado.
In case nagtataka kayo kung bakit ang late namin umuwi kahit pasukan, mid-semester break namin ngayon. Ako walang pasok from Monday to Friday, sila Monday to Thursday lang. Isa lang kasi klase ko dapat sa Friday (yung Japanese history focusing on the samurai) tapos sabi pa ng professor na huwag nalang kami magklase. Ang bait niya talaga :D Aliw pa siya magturo.
Bakit kaya naisip kong mag-Tagalog ngayon? Baka tinatamad lang ako itranslate pa yung mga iniisip ko into English. At kung gawin ko man yun, malamang magiging napaka-conyo ko lang. Medyo conyotic na nga ako ngayon eh. Oh well. Dapat siguro matulog na ko.
Ang saya. Past 12 na ko nakabalik sa dorm. Nagdinner kasi kami nina
![[profile]](https://www.dreamwidth.org/img/silk/identity/user.png)